It's Monday once again. Umpisa ng bagong linggo, umpisa ng trabaho sa karamihan pero para sa kin, umpisa ng bakasyon ko :) Yep, Monday to Wednesday wala akong pasok kaya makakapahinga rin. Si hubby nagkataon Monday-Tuesday rin ang off kaya happy. Kaya lang nag-uulan naman, plan namin makapunta ng La Mesa Ecopark pero bahala na kung matuloy.
Anyway, ano ba ang bago sa inyo? Yung 5 taong nagbabasa ng blog ko, wag na mahiya! LOL! Oo, alam ko naglu-lurk lang kayo dyan. Paramdam naman kayo, hindi bawal :) Ay wala nga pala kong shoutbox dito. Maglalagay rin ako pero may comments naman, baka lang type nyo ahihi!
O sya, humabol lang ako ng post bago ko i-shutdown ang pc. Nagtitipid ako ng kuryente eh kaya pag naka-shift ako, as much as possible eh dun lang ako magbubukas ng pc. Wish!
Monday, April 20, 2009
Rest day
Posted by Rona at 5:24 PM 0 comments
Saturday, April 18, 2009
Ngarag mode
Medyo ilang araw akong nawala kasi sobra kong ngarag. Imagine, trabaho sa umaga til lunch time then alaga ng bata pero sumasaglit ako ng tulog kahit 1-2 oras lang. Tapos sa gabi, puyatan na. Nakakaidlip naman ako kaya lang si Jamie kasi nagbago na ng schedule at mas type na nyang gising sa madaling-araw :) Tapos kabagin pa sya kaya hirap matulog. Bestfriend nga namin ang aceite de manzanilla, gaya nung newborn si Kuya Jeremy nya.
At syempre ang Kuya Jeremy ko kelangan din mag-bond kami kaya pag tapos na ko sa work at tapos na sya mag-siesta, play na kami at harutan. Kahit gano ko kapagod, di pwedeng hindi ako maglaan ng time para sa big baby ko.
Kaya pag off ni hubby excited ako eh kasi nakakatulog ako sa gabi kahit mga 5hrs. straight tapos sya naman matutulog. Oh di ba, pati pagtulog at pag-aalaga ng baby, shifting kami :)
Wednesday, April 15, 2009
Ano ba talaga?
Isang araw habang naka-shift ako:
Hubby: Momi, ano nga yung sabi mo meron ka, Post Partum Depression?
Rona: Oo yun nga. Tingin ko lang naman kasi nagbasa ako online and parang meron ako nung signs.
Hubby: Ah ganun. Kaw kasi kung anu-ano binabasa mo eh.
Rona: Eh syempre mahal kaya pag nagpa-assess pa ko, diba. Pero PPD nga kaya to or Bipolar lang ako? (More like I'm asking myself this)
Hubby: Ngayon mo lang nalaman na bipolar ka? (He said this with that goofy smile on his face)
Rona: WHATEVER!(Sabay irap)
Normal asaran lang yan sa bahay namin :)
Posted by Rona at 5:10 AM 0 comments
Tuesday, April 14, 2009
Tom Jones
Habang nanonood kami ng Opening Soon sa AFC (Asian Food Channel)...
Hubby: Grabe naman yun, 2-week wait bago makakain dun sa restaurant nila. Tagal ng reservation.
Rona: Ganun?! Eh di pano yun, sooobrang gutom na mga tao bago makakain sa resto nila.
Hubby: ???
Rona: Hahaha!
Hubby: Talagang mga hirit mo di ko mawari.
'La lang. Feeling ko kasi kelangan ko sabihin yun hehehe!
Posted by Rona at 8:35 AM 0 comments
Monday, April 13, 2009
Tao po!
Welcome sa bago kong bahay! Syempre ia-update ko pa rin ang RonaWeasley blog ko pero gusto ko lang gumawa ng isa pa :)
Anyways, kung anik-anik ang balak kong isulat ko dito, anything under the sun 'ika nga. Kaya wag nang magtaka kung paiba-iba ang topic ko LOL!
O sya, dito muna at ako'y kakain pa. Nagluto ng spaghetti ang aking darling hubby kaya kain muna :)
Posted by Rona at 7:18 PM 0 comments
Labels: Updates